1 Patay; 2 Sugatan sa Salpukan ng 2 Truck sa QC

PATAY ANG isang truck driver habang sugatan ang dalawa niyang kasama matapos bumangga ang kasalubong na truck sa C.P. Garcia Avenue, Barangay UP Campus sa Quezon City kahapon ng alas-5:00 ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang namatay na si Jorge Dela Cruz, na hindi pa rin naalis sa kanyang upuan matapos maipit sa bumanggang bahagi ng truck.

Nagtamo naman ng minor injuries ang dalawang pahinante niyang sina JR Enriquez at RC Yabut na kapwa tumanggi nang magpadala sa pagamutan.

Sinabi ni Armando Macapagal, driver ng nakabanggaang bus na mabilis umano ang pagpapatakbo ng naturang trailer truck na may plakang RFM 226.

Samantala, bahagya namang nagdulot ng ma-bigat na daloy ng trapiko ang aksidente.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan hinggil sa insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.