1 patay, 2 sugatan sa salpukan ng 2 motorsiklo

PATAY ANG ISANG lalaki habang malubhang nasugatan ang dalawa pa matapos magsalpukan ang mga dalang motorsiklo sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan si Albert Duran, 24 ng Yakal St., Gen. T. De Leon ng lungsod.

Inaalam pa ang mga pangalang ng dalawang pang biktima na ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center .

Sa ulat, alas-9 ng gabi, dala ng biktima ang Honda XRM (3467-TS) angkas ang isa sa mga biktima at pagsapit sa Mercedes St., ay nakasalpukan ang kasalubong na XRM na wala pang plaka  na dala ng isa pang biktima.

Sa lakas ng banggaan ay nagtalsikan ang mga biktima kung saan napuruhan si Duran habang dinala sa JRMMC ang dalawa pa.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.