1 Patay; 2 Sugatan sa Ratratan sa Taxi Terminal

PATAY ANG lalaki habang kritikal ang pulis at sugatan ang pinsan ng huli makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sa loob ng terminal ng taxi sa Caloocan City kamakalawa ng madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Ricky Offemaria, nasa hustong gulang ng Phase 4-B, Bagong Silang ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa FEU Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si PO3 Martin Enteria, 43 nakatalaga sa Sub-Station 3 ng Caloocan City Police at residente ng Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan habang sa paa naman ang tama ng pinsan na si Gilbert Enteria, 30, at kalugar ng nasawi.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:30 ng madaling-araw, nasa loob ng Holy Craftsman Transit sa Phase 4-B ang mga biktima nang pagbabarilin ng mga suspek.

Gumanti ng mga putok ang pulis na naging dahilan upang magsitakas ang mga suspek habang dinala naman ang magpinsan sa FEU, kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng mga suspek sa pamamaril.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.