1 Patay; 2 Sugatan sa pananambang sa South Cotabato

ISA ANG patay habang dalawa ang sugatan sa naganap na pamamaril kamakalawa sa Purok Malnog, Barangay Magsaysay, Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Edmund Utto, 26, may asawa; habang sugatan naman sina Brahim Utto at Leo Bastante.

Kinumpirma ni P03 Cesar Barsanalina ng Polomolok Police Station ang mga biktima na pawang mga magsasaka kung saan si Utto ay nagtamo ng maraming tama ng bala na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Habang ang mga sugatan ay nananatili pa sa Pagalungan Hospital sa Polomolok.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, napag-alaman  na inaba-ngan ng mga naka-bonnet na salarin ang mga biktima na naglalakad lamang hanggang sa barilin.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga empty shell ng 5.56 na bala ng armalite rifle.

Pinag-aaralan pa ng pulisya ang motibo at kung sino ang nasa likod ng krimen. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.