1 patay, 2 sugatan sa madugong inuman

ISA ANG PATAY habang dalawa ang malubhang nasugatan matapos na pagbabarilin ng dalawang lalakI na motorcycle “riding in tandem” ang mga nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang nasawi na si Oliver John Palami, 22-anyos, residente ng Daang Bakal St., Brgy. Nangka, habang ang mga nasugatan ay nakilalang sina Eric Cayabyab, 21, at Cris Inahe, 24, parehong residente rin ng nasabing lugar.

Agad namang nagsitakas ang mga hindi pa kilalang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo na hindi naplakahan ng mga residente.

Sa imbestigasyon ni PO3 Charles Pacing, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng gabi sa bahay ng nasawi.

Nabatid na masaya umanong nag-iinuman ang mga biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek at pagbabarilin ang mga ito.

Ayon sa isang kaanak ni Palami, nasugatan lamang ito sa unang bugso ng putukan subalit nilapitan pa umano ito ng mga suspek at saka muling pinagbabaril upang matiyak na hindi na ito mabubuhay.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang mga slug ng baril na kalibre .45 na baril at .9 mm na baril na ginamit sa pamamaslang.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Marikina PNP kaugnay ng nasabing insidente ng pamamaril na kinasasangkutan na naman ng motorcycle “riding in tandem”.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.