1 Patay, 2 Sugatan sa Karambola ng 3 Sasakyan

PATAY ANG isang 50-anyos na misis habang aabot naman sa 20-katao ang nasu¬gatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng highway sa Barangay Poblacion 1, bayan ng Indang Cavite kamakailan.

Kinilala ng mga awtoridad ang namatay na si Gloria Mecua ng Barangay 5 sa bayan ng Amadeo, Cavite.

Naisugod naman sa iba’t ibang pagamutan ang mga sugatang na karamihan ay pasahero ng bus.

Samantala, nabatid na nawalan ng preno ang Ferdinand Bus Liner pagsapit sa nabanggit na barangay kung saan sinalpok ang kotse ni Michael Ryan Eyaya at pick-up ni Catherine Gonzales ng Dasmariñas City, Cavite.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.