1 Patay; 2 Sugatan sa Banggaan ng Motorsiklo sa Capiz

 

PATAY ANG 22-anyos na binata at driver ng motorsiklo nang bumangga ito sa isa pang motor sa Barangay Malag-it, Pontevedra, lalawigan ng Capiz.

Dead-on-arrival nang dinala sa Mambusao District Hospital si Angero Julian ng Rizal, Pontevedra, Capiz matapos bumangga ang kanyang motor sa motorsiklo na sinasakyan nina Rey Carico at Vincent Durado ng Malic St., Ilawod, Pontevedra.

Batay sa report ng mga kinauukulan, mabilis ang takbo ng motor ni Julian na bibili sana ng yelo sa bayan.

Nag-overtake umano ang biktima sa isang malaking sasakyan ngunit pagdating sa palikong bahagi ng daan, hindi nito napansin ang sasakyan nina Carico at Durado.

Dahil sa napakalakas na impact, tumilapon sa kabilang dako ng daan si Julian at nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Nagtamo naman ng minor injuries sina Carico at Durado. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.