1, patay; 2, naospital sa kabute

PINAG-IINGAT NGAYON NG mga doktor ang publiko sa pagkain ng kabute matapos mamatay at maospital ang magkapatid na nakaramdam umano ng pananakit ng ulo sa Brgy. Guadalupe, lungsod ng Carcar sa Cebu.

Kinilala ang namatay na si Danilo Dayonot, 38, residente ng nasabing lugar habang isinugod naman sa ospital ang dalawang kapatid nito na sina Aileen at Renante Dayonot dahil sa pagkalason sa kinaing kabute.

Base sa ulat, nakuha umano ng biktimang si Danilo ang kabute sa bundok na tumubo sa isang puno na kanilang iniluto at isinama sa ginisang sardinas.

Matapos kainin ang nasabing kabute, bigla na lamang umano silang nakaramdam ng panghihina. pagkahilo at pangingitim ng katawan.

Agad namang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang magkakapatid ngunit isa sa kanila ang tuluyan nang sumakabi-lang-buhay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.