1 patay; 2 kritikal sa motorsiklo at truck

PATAY ANG binata habang kritikal ang dalawang angkas nang masagi ng truck ang sinasakyan motorsiklo ng mga una sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo si Jefrrey Bundac, 20 ng Parola, Tondo, Manila .

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng pinsala sa katawan si Mearl Chelsea, 20 dalaga, habang inoobserbahan naman sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi rin ng pinsala sa katawan si Ivan Carlo Morales, 20, binata, kapwa ng Taguig City.

Sumuko naman si Arnel Upao, 41, driver ng Trailer Truck (PEQ-781) ng Bustos, Bulacan.

Base sa ulat, ala-1 ng umaga, angkas ng nasawi ang dalawa pang biktima sa Honda (5190-OR) at pagsapit sa C-3 Rd. ng lungsod ay nasagi ng kasabay na truck ni Upao.

Tumilapon ang mga biktima at minalas na nagulungan ang ulo ng nasawi na dahilan upang agad na ikamatay habang dinala naman ang mga angkas sa mga nasabing ospital.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.