1 Patay; 14 Nawawala sa Lumubog na Barko sa Pangasinan

ISA ANG patay habang 14 ang nawawala ng lumubog ang isang Myanmar vessel sa may karagatan ng Bolinao, Pangasinan kahapon ng umaga. Ito ang kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG).

Base sa report ng Philippine Coast Guard (PCG,) nagkaroon umano ng problema ang makina ng naturang barko kung kaya’t tuluyan na itong lumubog.

Sinabi ni Coast Guard spokesman Cmdr. Armand Balilo na may natanggap silang impormasyon na dalawa ang sugatan sa paglubog habang 10 katao ang nailigtas ng isa pang barko na umano’y napadaan sa nabanggit na lugar.

Kasalukuyang nasa Bolinao na ang mga barko ng Coast Guard para magsagawa ng search and rescue operation para sa mga nawawalang  biktima na mga crew ng barko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.