1 patay; 12 na-ospital sa tubig sa Albay

ALBAY – AAYUDAHAN NG lokal na pamahalaan ng lalawigang ito mga pamilya na nalason ng inuming tubig sa Barangay Gapo, Daraga.

Una nang napaulat ang pagkamatay ni Arthur Mirandilla makaraang uminom ng tubig sa lugar.

Nakaratay naman sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) at sa isa pang pribadong ospital sina Rolly Maravillas, Juvy Maravillas, Jojo Maravillas, Arnel Maravillas, Maryjane Maravillas, Salvador Completo, Marivic Completo, Kevin Completo, Gilmer Misa at dalawang anak, Erwin Maravillas, Noli Maravillas, Gissele Maravillas, Aaron Maravillas, at Virginia Mirandilla.

Ayon kay Board Member Herbert Borja, paiimbestigahan nila ang sanhi ng insidente habang nagtulong na ang mga health authorities sa lugar upang mabigyan ng assistance ang kaanak ng mga biktima.

Pinaniniwalaang nalason ng ininom na tubig mula sa balon ang mga biktima na nakaranas ng LBM, pagsusuka at pananakit ng tiyan.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.