1 patay, 1 sugatan; Tricycle, dinikdik ng truck

PATAY ANG ISANG lalaki habang sugatan ang isa pa matapos madikdik ng truck na puno ng graba ang sinasakyang tricycle ng mga una sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Joenard Carabelle, 35 ng North Bay Boulevard, Navotas.

Ginagamot naman sanhi rin ng pinsala sa katawan si Arman Carillo, 35 ng rd. 10, Navotas.

Sumuko naman sa mga pulis si Benedicto Pader, 43 ng Sinclair St., Caloocan City at driver ng dump truck (CNS-681).

Sa ulat, alas-9 ng gabi, sakay ang mga biktima sa tricycle (UW-7209) na pinapasada ni Elmer Rosaldo, 50, at pagsapit sa Lapu-Lapu St., ay na-bunggo ng nagmamaniobrang truck ng suspek.

Sa bigat na kargang mga graba ay hindi na nakontrol ng suspek ang truck at halos mayupi ang tricycle hanggang sa mapitpit ang mga biktima na naging dahilan upang dalhin sa TMC habang pinalad namang makatalon ni Rosaldo.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.