1 patay; 1 sugatan sa sumpak

PATAY ANG ISANG binatilyo matapos itong barilin ng sumpak (homemade shotgun) habang sugatan naman ang kaibigan nito na sinaksak naman ng mga pinaghihinalaang kaaway ng mga ito sa Navotas City kahapon ng madaling araw.

Si Diorico Supitran, 16-anyos, residente ng Block 34, Lot 7-D, Phase 2, Area 2, Dagat-dagatan, Brgy. NBBS ng nasabing lungsod ay namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tinamong tama ng sumpak sa likod.

Inoobserbahan naman sa nabanggit na pagamutan ang kaibigan ng nasawi na si Ryan Arcilla, 16-taong gulang, naninirahan din sa naturang lugar na nagtamo naman ng saksak sa likurang bahagi ng katawan.

Patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na Mac-Mac Ungas at JR Tilaps na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Allan Bangayan, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong 1:40 ng madaling araw sa kahabaan ng Phase II, Area 2, Tumana, Dagat-dagatan, Brgy. NBBS.

Sa salaysay ng mga nakasaksi, kasalukuyang nagkukuwentuhan ang magkaibigan sa naturang lugar nang dumating ang dalawang suspek na armado ng sumpak at patalim.

Paglapit ng mga suspek mula sa likuran ng mga biktima ay walang sabi-sabing binaril ni Mac-Mac si Supitran sa likod habang sinaksak naman ni JR si Arcilla.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.