1 Patay, 1 Sugatan Sa Salpukan Ng Trak At Motorsiklo

PATAY ANG isang lalaki habang sugatan ang isa pa sa Camarines Sur matapos sumalpok sa nakaparadang trak ang kanilang sinasakyang motorsiklo.

Nakilala ang nasawi na si Domingo Valenzuela, 20, habang sugatan ang backrider nitong si Manuel Dela Cruz, kapwa residente ng bayan ng Minalabac.

Napag-alamang patungo sana sa sentro ng naturang bayan ang dalawa sakay ng motorsiklo nang bumangga sa nakaparadang Elf truck sa Barangay Taban.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na mabilis ang pagpapatakbo ng motorsiklo at hindi nakita ang nakaparadang trak.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mga sakay ng motrosiklo partikular na si Valenzuela na tumama ang ulo sa sementadong daan.

Sa ngayon, labis ang hinagpis ng pamilya ng mga biktima dahil sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.