1 Patay; 1 Sugatan sa Salpukan ng Motorsiklo sa CamSur

PATAY ANG isang security guard habang kritikal ang isa pang menor de edad sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa lalawigan ng Camarines Sur.

Dead on arrival sa Rinconada Medical Center si Estelito Abonalla, Jr., 33, security guard ng Camarines Sur Polythecnic Colleges (CSPC), habang kritikal at nakatakdang isailalim sa operasyon ang 17-anyos na si Yahweh Jay Ricafrente, kapwa mga residente ng Barangay Paloyon, Nabua.

Batay sa ulat, binabaybay ni Ricafrente ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Santiago Young nang bigla na lamang makasalubong ang motorsikong minamaneho ni Abonalla.

Dahil sa nangyaring head on collision, tumilapon ang security guard dahilan upang magtamo ng malalang tama sa katawan at agad nitong ikinamatay.

Lumalabas sa pagsisiyasat na nag-overtake si Abonalla sa isang sasakyan at ‘di inaasahang makakasalubong ang motorsiklong minamaneho ng menor de edad.

Samantala, inaalam pa ng PNP Nabua kung ano ang desisyon ng mga kamag-anak ng dalawa kaugnay sa naturang insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.