1 patay; 1 sugatan, sa pag-atake sa packing plant sa So. Cotabato

KORONADAL CITY – ISA ang patay habang isa ang sugatan sa pag-atake ng mga armadong grupo sa packing plant ng Sumifro Philippines sa Sitio Lakag, Barangay Lakunon, T’boli, South Cotabato.

Batay sa report ng pulisya, pinasok ng lima hanggang sa anim na armadong mga suspek ang nasabing packing plant at dinukot ang isang lalaking pinaniniwalaang empleyado ng kumpanya.

Matapos dukutin, pinatay rin ang biktima na si Limdon Asilan, 27, at residente ng Barangay Magsaysay, Polomolok.

Sugatan naman ang isa pang biktima na kinilalang si Jean Man dahil sa tama ng bala sa kanang braso. Dalawang guwardya rin ang dinis-armahan ng mga suspek.

Posibleng personal ang motibo sa krimen dahil hindi naman ginalaw ng mga suspek ang planta, ayon kay T’boli Vice Mayor Debu Tuan.

Sa ngayon, patuloy ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan kung anong grupo ang may kagagawan at motibo sa nasabing insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.