1 patay, 1 sugatan sa kantiyawan

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang isa pa nang pagsasaksakin ng napikon na kainuman sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng saksak sa leeg si Levito Tesorero, 59, ng Phase 8-A, Bagong Silang ng lungsod.

Ginagamot din sa nasabing ospital sanhi ng saksak sa katawan si Favian Din Jr., 24, ng nasabing lugar.

Nadakip naman si Angelito Villacampa, 28, kapitbahay ng mga biktima.

Batay sa ulat, alas-8 ng gabi, nag-iinuman ang mga biktima at ang suspek sa loob ng bahay ni Din nang magkantiyawan ang mga ito.

Napikon ang suspek at sinuntok sa nguso si Din na naging dahilan upang pagtulungan ito ng mga biktima.

Nakapiglas ang suspek at nang makakuha ng patalim sa loob ng bahay ni Din ay agad na pinagsaksak ang mga biktima.

Matapos ang insidente ay dinala ang mga biktima sa nasabing ospital habang nadakip naman ng mga pulis ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.