1, Patay; 1, Sugatan sa Dinayong Lugawan

PABORITONG LUGAW ang dahilan ng pagkamatay ng isang scrap helper habang sugatan naman ang kanyang kasamahan, makaraang pagtulungang pagsasaksakin ng 10 hindi kilalang mga suspek, nang dumayo pa sa ibang lugar ang mga biktima para lang makakain ng nasabing pagkain sa Valenzuela City, noong Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa Valenzuela City Medical Center si Nico Capile, 18, residente ng Block 6, C. Molina St., Veinte Reales ng nasabing lungsod, sanhi ng apat na saksak sa likod.

Ginagamot naman sa Valenzuela Emergency Hospital ang kasamahan ng biktima na si Roben Menjie, 28, kapit-bahay ng nasawing biktima, sanhi ng isang saksak sa likod.

Sa report ni SPO3 Ritchie Garcia at PO2 Rodulfo Tumabaga ng Station Investigation Unit, bandang alas-12 ng gabi, nang magkaayaan na kumain ng lugaw sina Capile at Menjie sa Cecelio St., Brgy. Malinta, Valenzuela City.

“Itinuro ni Capile kay Menjie ang lugaw na kakainan nila. At that time naroroon ang mga suspek at kumakain din ng lugaw, akala nu’ng mga suspek, dinuduro sila ng mga victims,” pahayag ni SPO3 Garcia.

Bunga nito, sinugod ng mga suspek ang mga biktima saka pinagsasaksak.

Kahit duguan, nagawa pang makatakbo si Capile sa Justice Hall at bumagsak na lamang sa harap ng security guard na si Resurrecsion Ruado.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.