1 Patay, 1 Sugatan; Akyat-Bahay, Umatake

PATAY ANG isang lalaki habang nasugatan ang kapatid nito makaraang pasukin ng mga magnanakaw ang kanilang bahay sa Lower Barangay, San Antonio Village, Parañaque City.

Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang 17-anyos na si Jonard Asis habang nagpapagaling ang kapatid nitong si Lea Camille, 14-anyos.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kinauukulan, pagnanakaw ang motibo ng mga salarin subalit nanlaban umano si Jonard kaya pinagsasaksak.

Naaresto naman ang 17-anyos na lalaki na isa sa mga suspek sa isinagawang follow-up ope-ration ng Parañaque City Police.

Samantala, hinihintay na lamang ang ama ng biktima na nagtatrabaho sa Dubai bago mailibing ang binata.

Sa ngayon, sasampahan naman ng kasong Attempted Robbery with Murder at Frustrated Murder ang nahuling suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.