1 patay; 1 malubha sa gumuhong tunnel

PATAY ANG ISANG construction worker habang malubha ang isa pa matapos na matabunan ng gumuho ang hinuhukay na drainage kahapon ng umaga sa Pasig City.

Kinilala ni Pasig city chief of Police P/Sr. Supt. Jessie Cardona ang nasawi na si Anthony Ignacio, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. San Jose, Bulacan.

Nilalapatan naman ng lunas sa Amang Rodriguez Medical Center si Nelson Bilante, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Pila, Bulacan habang nakaligtas naman si Agustin Dela Rosa, 41 anyos, may asawa, residente naman ng Villa San Isidro, Calauag, Quezon.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:35 ng umaga sa kahabaan ng Marcos Highway, Brgy. Dela Paz, Pasig City.

Nabatid na nagkakabit ng kongkretong tubo ang mga biktima sa bagong hukay na 4 meters canal sa Marcos Highway nang biglang gumuho ang lupa at natabunan ang tatlo.

Agad namang nakaahon si Dela Rosa habang naiwan ang dalawa na hinukay pa ng mga kasamahan at saka isinugod sa ospital kung saan binawian ng buhay si Ignacio.

Ayon kay Dela Rosa, patapos na sila sa pagkakabit ng tubo nang biglang bumigay ang lupa dahil na rin sa pagdaan ng mabibigat na sasakyan.

Ang hukay ay patawid sa kabilang kalsada kung saan nagkakabit ng kongkretong tubo ang mga biktima na magsisilbing drainage sa kahabaan ng Marcos Highway.

Ang tatlo ay pawang kawani ng Human Road and Bridges Corporation na nag-subcontract naman sa  Frilou Construction.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kung mayroong pananagutan ang nasabing mga kumpanya sa naganap na pagguho. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.