1 Patay; 1 Kritikal sa Sawako Gang

PATAY ANG isang lalaki habang kritikal ang kaibigan nang pagsasaksakin at pagbabarilin ng tatlong miyembro ng Sawako Gang sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng mga saksak at tama ng bala sa katawan si Jay-B Arcenas, 21, habang inoobserbahan naman si Angelo Mendoza, 23 kalugar ng nasawi.

Pinaghahanap naman si Gheric Buensing, 19 ng Malvar St., at dalawang hindi pa kilalang mga kasama na mga miyembro ng Sawako Gang.

Base sa ulat, alas-11 ng gabi, naglalakad ang mga biktima sa Patani Alley, Bagong Barrio ng lungsod nang salubungin at putukan ni Buensing si Arcenas na naging dahilan upang bumagsak.

Tinangkang tulungan ni Mendoza ang kaibigan subalit lumapit ang dalawang suspek at pinagsasaksak ang mga biktima.

Kahit sugatan ay nagawang makatakbo ni Mendoza subalit binaril sa hita ni Buensing bago nagsitakas ang mga suspek habang dinala naman ang mga biktima sa MCU.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.