1 Patay; 1 Kritikal sa Gang War

PATAY ANG binatilyo habang kritikal ang kasamahan nito nang magkaroon ng riot ang dalawang grupo ng fraternity gang kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Binawian ng buhay nang idating sa Tondo General Hospital sanhi ng tama ng bala ng ‘di pa mabatid na kalibre ng baril sa kaliwang braso na tumagos sa kanan si Aljun Sambarano, 16, miyembro ng NH Fraternity, ng Blk. 29, Lot 7, Area 1, Karpa St., Dagat-dagatan, Navotas.

Inoobserbahan naman sa nasabi ring pagamutan sanhi ng tama ng bala sa kaliwang leeg si Gelly Boy Santos, 16, ng nasabi rin lugar.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng pulisya para sa pagkakakilanlan sa ‘di mabilang na suspek na grupo ng isang fraternity gang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa Dalagang Bukid St., Brgy. Northbay Boulevard South ng nasabing lungsod.

Ayon sa saksing si Anna Marie Santos, nakarinig siya ng tila mga basag na bombilya sa labas ng kanilang bahay at ng kanyang alamin ay nakita na lamang nito sina Sambrano at Santos na duguang nakahiga sa kalsada habang nagpulasang nagtakbuhan ang iba pang mga kabataan patakas.

Agad na dinala sa naturang pagamutan ang mga biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan din ng hininga si Sambarano habang si Santos ay nasa malubhang kalagayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkainitan ang grupo ng mga biktima at ang kalabang fraternity hanggang sa nauwi  sa rambulan. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.