1 Patay; 1 Kritikal sa 3 Naka-Bonnet

PATAY ANG lalaki habang kritikal ang kaibigan nang pagsasaksakin ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek na naka-bonnet habang ang mga una ay naglalakad galing sa inuman sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Joenel Bañas, 47, ng Sta. Ana, Pampanga.

Ginagamot naman sa Quezon City General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Ronnie San Jose, 31 ng Baesa Rd., ng lungsod.

Sa ulat, alas-12:30 ng umaga, naglalakad ang mga biktima sa Gumamela St., Baesa ng lungsod nang lapitan at pagsasaksakin ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman sa QCGH si San Jose.

Nabatid na bago ang insidente ay nakipag-inuman ang mga biktima malapit sa bahay ni San Jose, kung saan nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.