1, patay; 1 kritikal Dumptruck vs Tricycle

DEAD ON the spot ang driver ng tricycle habang nasa kritikal na kundisyon sa Bulacan Medical Center ang asawa nito makaraang suruin ng rumaragasang dumptruck sa diversion road ng Brgy. Sta.Clara, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na tinanggap ni Executive Supervisor Ms. Liz Mungcal ng Provincial Disaster Risk Reduction and Managemant Council mula kay Roydel Peralta ng Smart Rescue, kinilala ang nasawing biktima na si Mark Lester Santos, 26 anyos; habang nasa seryosong kundisyon naman ang asawa nito na si Lalaine Santos 22, residente ng Brgy. Sta.Cruz Bukid; habang arestado naman ang driver ng truck na si Roberto Pascual, 22 anyos, ng Brgy. Bunsuran, Pandi, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon na nakarating sa tanggapan ni PNP Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., sinalubong umano ng dumptruck na may plakang TAL-535 ang sinasakyan ng mga biktima sa nabanggit na lugar dakong alas-7:30 ng gabi.

Nabatid na papauwi na ang mag-asawa lulan ng kanilang tricycle galing sa pagdalaw sa kanyang kapatid sa Brgy. Poblacion nang araruhin umano ito ng humahagibis na truck, dahilan upang agad na bawian ng buhay ang lalaki, habang tumilapon naman nang mahigit sa 3 metro ang babae dahilan upang mawalan ito ng malay dahil sa lakas ng impak na ikinabali ng kanang hita, at pagkakaroon ng matinding fracture sa likurang bahagi ng kanyang ulo.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa madugong aksidente.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.