1 Pang Suspek sa Rape-Slay sa Nene, Dakip

TULUYAN NANG napasakamay ng mga kinauukulan ang tatlong salarin sa panghahalay at pagpatay sa 14-anyos na Grade 4 pupil sa bayan ng Malinao, Albay.

Ito’y makaraang madakip ang isa pa sa itinuturong suspek na si Glendo Cervantes y Bundal, 23, na residente ng Purok 1 Estancia sa naturang bayan.

Ang iba pang unang nahuli ay sina Melvin Bundal y Balasyo at Joel Buendiya y Casin na kapwa residente rin sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na naaresto si Cervantes sa bahagi na ng Malinao Ilaya, Atimonan, Quezon province malapit sa kanyang pinagtatrabahuhan.

Mariin naman na pinabulaanan  ng suspek na kasama siya sa pagpatay sa biktima kung saan bago pa aniya ang krimen, naihatid na siya sa kanyang bahay ng dalawang suspek.

Una rito, Hulyo 31 nang matagpuan na wala nang saplot at wala na ring buhay ang biktima sa madilim at liblib na lugar sa isang abandonadong paaralan sa nasabing lugar.

Samantala, nakatakdang ilipat sa district jail si Cervantes.

Sa ngayon, wala namang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan ang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.