1 pang suspek sa Maguindanao massacre, tiklo

MAGUINDANAO – ISA PANG suspek sa ka-rumal-dumal na Maguindanao massacre na kumitil ng 57 katao kabilang ang mahigit 30 media members ang inaresto sa bayan ng Sharif Aguak.

Ayon kay Philippine Army Chief Lt. Gen. Arturo Ortiz, alas-9:30 ng umaga kahapon nang maaresto ng elemento ng 104th Brigade si Nasser Talib sa Bgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Si Talib ang ika-92 suspek na naaresto mula sa 195 na pinaghahanap sa brutal na pagpaslang sa misis ni Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu nang subukan nitong magsumite ng kandidatura para sa nasabing posisyon noong November 23, 2009.

Bukod sa misis ni Mangudadatu, napatay rin ang kapatid na babae nito gayundin ang convoy ng media.

Sa kasalukuyan, nakakulong ang mga itinuturong utak sa masaker sa pangunguna nina dating Maguindanao Governor Andal Ampa-tuan Sr. at anak nito na si Andal Jr. na dating alkalde ng Ampatuan.

Dahil dito, 103 na lamang ang pinagha-hanap ng otoridad para pagbayarin sa kanilang kasalanan.

Sa record, sinunog, pinagbabaril at planong ilibing ng maramihan gamit ang backhoe ang mga biktima. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.