1 pang PNP scam: P131.5-M rubber boats at outboard motor para sa Ondoy, nilulumot

AABOT SA P131.5 million na halaga ng 74 units ng rubber boat at 93 units ng outboard motors na binili ng Philippine National Police (PNP) na hindi dumaan sa bidding ang nakagarahe at naaksaya lamang.

Ito ang ibinulgar ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo kahapon.

Ayon kay Robredo, napilitang bilhin ng PNP sa panahon ni dating PNP Chief Jesus Verzosa ang naturang rubberboats nang tumama ang bagyong Ondoy noong September 2009 at hindi na dumaan sa proseso ng bidding subalit hindi naman tinanggap ng PNP Maritime Group makaraang hindi nagtugma ang specifications nito.

Ang 75 units ng rubber boats at 93 units ng outboard motors ay binili sa tatlong supplier na Enviro-Aire Inc.; Geneve SA Phils, Inc. at Bay Industial Philippines.

Sinasabing nagdesisyon ang PNP na bumili ng naturang mga kagamitan upang pansagip sa magiging biktima ng pagbaha sakaling muling tumama ang bagyo na kagaya ng Ondoy.

Gayunman, hindi ito nagamit at patuloy na nakatiwangwang sa distributor nito sa Parañaque City.

Bukod sa nasabing item, bumili rin umano ng patrol boats sa basbas ni Verzosa ang PNP na nagkakahalaga naman ng P90 million.

Dahil dito, naniniwala si Robredo na dapat imbestigahan ang mga sangkot maging si Verzosa dahil  sa maanomalyang transaksyon.

Nilinaw naman ni Robredo na hindi niya nais o personal na gusto na maimbestigahan ang dating mga opisyal ng PNP kundi dapat ay matunton kung sino ang may pagkakasala sa naturang transaksyon.

“Kung sino ang may kasalanan dito ay dapat managot, this is beyond documents,” ayon pa kay Robredo.

Kaugnay nito, nais din ni Robredo na repasuhin ang procurement system ng PNP upang hindi na maulit ang naturang transaksyon na pagwawaldas lang ng pera.

Aminado si Robredo na kanila pang sinisiyasat ang lahat ng mga naging transaksyon ng PNP. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

3 thoughts on “1 pang PNP scam: P131.5-M rubber boats at outboard motor para sa Ondoy, nilulumot

  1. NAKAKASAKIT NANG PUSO NA MINSAN AY NAPANOOD NAMIN ANG ISANG MAGINA NA GALING PROBINSIYA, PUMUNTA SA PCSO PARA MANGHINGI NANG PAMPAOPERA DAHIL MAY BAG SA TIYAN NA DAPAT MATAGAL NANG NAPALITAN. ANG TAGAL NILANG NAGHINTAY. DAHIL SA KAPOS NA SA PONDO ANG PCSO, WALANG HUSTONG MAIBIGAY. SA KATAGALAN NANG PAGHINTAY, NATULOG ANG MAG INA (ANG ANAK AY ISANG TEENAGER PA LANG ) SA SIDEWALK, KATABI NANG PCSO. HAPUNAN NILA AY ISANG CUP NANG NOODLE NA PINAGHATIAN PA NILA. NADUROG ANG PUSO NAMIN NANG MAPANOOD NAMIN ITO DAHIL DITO, MAYROON KAMING TINATAWAG NA RONALD MCDONALD HOUSE PARA SA GALING SA MALALAYONG LUGAR NA WALANG MATUTULUYAN. LALO LANG KAMING NAGNGINGITNGIT NANG MAPANOOD NAMIN ANG TV PATROL AT BALITANGHALI. —-BILYON BILYONG PISO PALA ANG NAWAWALA TAON TAON NA PONDO NANG PCSO PARA SA CHARITY. ANG AUDIT NA NAGUMPISA NOON TAONG 2007 AY PUNONG PUNO NANG PAGNANAKAW SA ADMINISTRASYON NI GLORIA MACAPAGAL ARROYO. MAGNANAKAW ANG PAMILYANG ITO. ANG KAWAWAWANG MAGINA NA NATULOG SA SIDEWALK, ANG BANIG NILA AY KARTON NA NAPULOT SA PALIGID. SANA NAMAN , GISING NA TAYONG MGA PILIPINO. KUNG ANO ANONG AKTIBISTA ANG LUMALABAS PERO BAKIT HINDI SI GLORIA ANG HARAPIN NINYO. SIYA ANG DAHILAN NANG MALAKING PAGHIHIRAP NANG GOBYERNO NANG PILIPINAS NGAYON. SI NOYNOY, MAHIHIRAPANG IAHON ANG PILIPINAS DAHIL MALALIM ANG PAGKAKALUBOG NATIN SA KABABUYANG GINAWA NANG MGA ARROYO SA BAYAN . GOD HELP US ALL. . . .

  2. c noli kc. bitter yan. walang nagawa so gobyerno yan dati. as VP nuon. upo lang siya at naghihintay ng sweldo ang loko. pasaring pa kay Noynoy…bakit? takot siya na baka maimbestigahan din siya at ipahuli gaya ng pakner niyang c corrupt gloria arroyo? mga magnanakaw ng pera ng Pinas! mandurugas sa botohan. nuon pa dapat inumbag yan si gloris sa HELLO GARCI na lang halata na nandaya na sila sa eleksiyon no! at yung anak niya si mikee baboy…grabe… kapal ng mukha rin. magnanakaw rin siya! panay sabi na cars at girls ang inaatupag daw ni Noynoy? e sila kasi panay panghahakot ng pera ng Pinas pinag gagawa nila dati. o di ba, naman former first andres de saya gentelman arroyo? at noli pls. huwag ka na humirit pa. balik reporter ka na nga e. wala ka silbi sa bansa nuon!!!!

  3. PANSIN KO LANG SA TV PATROL, KAPAG MAY ANOMALYANG SANGKOT ANG ADMINISTRASYON NI GLORIA MACAPAGAL ARROYO, SI NOLI DE CASTRO, MARAMING PASARING KAY NOYNOY. MAY ITINATAGO BA SI NOLI KABAYAN ? KUNG AKO ANG TATANUNGIN, DAPAT, IMBISTIGAHIN NA RIN ANG TAONG ITO. MALAMANG KASANGKOT SIYA. REMEMBER, SI ARLENE NA KABIT NIYA ANG MANAGER NI WILLIE REVILLAME NA KARAMAY N I MANNY VILLAR NA KAIBIGAN NI CHAVIT SINGSON AT BONGBONG MARCOS. MAGISIP-ISIP TAYO. NABASA KO RIN SA ISANG ARTICLE DITO NA MINSAN, LUMAPIT ANG ANAK NI NOLI DE CASTRO SA UNA NIYANG ASAWA PARA HUMINGI NANG PANG TUITION SA SCHOOL, HINDI TINULUNGAN NI KABAYAN. KABAYAN, TANTANAN MO NA ANG BAGONG ADMINISTRASYON. SI NOYNOY, GINAGAWA ANG LAHAT PARA MAPA-ISAAYOS ANG MGA NAMANANG KAPALPAKANG INIWAN NI GLORIA. BAKIT SIYA PA ANG SINISIPA MO. HALATANG HALATANG SANGKOT KA , KASAMA NI GLORIA, KAYA GANON NA LANG ANG PAGTATANGGOL MO SA KANYA. MAHIYA KA NAMAN. . . .NGAYON, LUMALABAS ANG KATOTOHANAN. BUMALIKTAD SI AMPATUAN AT SINABING DINAYA ANG BOTOHAN NOONG 2007. KASAMA KA ROON, NOLI, HINDI BA ? TAKOT KA BA NA LUMANTAD RIN ANG KATOTOHANAN ? MAHIYA KA NAMAN. . . .

Leave a Reply

Your email address will not be published.