1 Pang COP, Minalas sa Swertres

ISA PANG chief of police (COP) ang nasibak sa puwesto bunsod ng iligal na sugal sa Negros Oriental.

Kinilala ni Interior Secretary Jesse Robredo ang hepeng nasibak sa puwesto na si Superintendent James Arsenio Turbela, ang hepe ng Canlaon City PNP.

Ayon kay Robredo, ang pagkakasibak kay Turbela ay base sa direktiba ni Senior Superintendent Edward Carranza ang PNP Director ng Negros Oriental matapos na hindi makapag-comply si Turbela na mapahinto ang Illegal numbers game na “swertres” sa kanyang nasasakupang lugar.

Matatandaang una ng sinibak sa puwesto ang 3 pang mga hepe ng pulisya sa Negros Oriental noong isang Linggo  matapos na hindi makapag-comply ang mga ito sa pagpapahinto ng illegal numbers game o itong swertres sa kanilag mga nasasakupang lugar.

Kinilala ang mga ito na sina Chief Inspector Dominicias Distrito, COP ng Tanjay City; Inspector Romulos Delfin ng bayan ng Dauin; at Inspector Deogracias Lorico sa bayan ng Valencia, lahat ay matatagpuan sa Negros Oriental.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.