1 Pang Akusado sa Ortega Slay Case, Dinampot sa Pasig

NAKATAKDANG DALHIN sa Puerto Princesa ang isa pang salarin sa pagpatay sa environmentalist at brodkaster sa Palawan na si Gerry Ortega.

Ito’y kasunod ng pagkakaaresto ng mga awtoridad kay Percival Lecias pasado alas-4:35 ng madaling-araw kahapon sa Barangay Caniogan sa Pasig City.

Kakaharapin ni Lecias na kilala rin sa pangalang “Val” ang kasong murder.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lang nang sumuko ang isa ring suspek sa pagpatay kay Ortega na si Arturo Regalado, matapos ang negosasyon kasama ang special operations group at ng mga kinauukulan ng kanilang lokal na pamahalaan.

Sa ngayon, nananatili pa ring nagtatago ang mga pangunahing akusado na sina dating Palawan Gov. Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes, Jr. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.