1 pamilya, nadaganan ng poste; ama, tepok

ISANG MISTER ang nasawi habang sugatan ang kanyang misis at tatlong anak makaraang madaganan ng nabuwal na poste ng kuryente sa Jose Abad Santos, Davao del Sur.

Sa ulat ng Jose Abad Santos Municipal Police, nakilala ang nasawi na si Jomar Condong, residente ng Sitio Elcor, Brgy. 8 ng nasabing bayan.

Ginagamot naman sina Zenaida, misis ni Jomar at kanilang mga anak na si Mark, 12; Jayson, 2; at si Romeo.

Ayon sa imbestigasyon, naglalakad  ang mag-anak nang matumba ang poste ng kuryente dahilan para kapwa kapitan ang mga ito ng boltahe dahil basa ang daan.

Sinasabing agad na-ngisay at namatay si Jomar habang naisugod sa pagamutan sa bayan ng Glan sa Sarangani province ang mag-iina nito.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.