1 NPA, Dedbol; 3 Sundalo, Sugatan sa Engkwentro sa Albay

MULING NAGKASAGUPA ang tropa ng pamahalaan at hindi pa madetermina na bilang ng rebeldeng New People’s Army (NPA) kahapon ng alas-9:15 ng umaga sa bahagi ng Brgy. Tobgon, sa bayan ng Oas, Albay.

Ayon kay P/Supt. Renato Bataller, ang tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 5, kinumpirma nito ang nangyaring engkwentro habang nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga miyembro ng Philippine Army at Regional Public Safety Batallion sa pangunguna ni P/Insp. Domingo Tapel sa naturang barangay.

Sinabi ni Bataller na nadaanan ng mga sundalo ang itinanim na landmine ng mga rebelde na nagresulta sa pagkakasugat ng tatlong militar.

Mabuti na lamang umano at wala namang iba pang nasugatan sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Samantala, isa namang miyembro ng mga armadong kalalakihan ang nasawi sa sagupaan na kinilala lamang ng mga residente sa tawag na Ka Boy.

Narekober din sa pangangalaga ng napatay na rebelde ang kalibre .45 na baril at isang granada.

Patuloy naman ang isanasagawang pagsisiyasat ng militar at mga awtoridad sa totoong pagkakakilanlan ng  naturang bangkay.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagamot ang mga nasugatang sundalo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.