1 Nalunod, 626 Pamilya, Inilikas sa Eastern Samar Dahil kay Bebeng

ISA ANG NASAWI habang 626 pamilya mula sa Eastern Samar ang inilikas bunsod ng pag-hagupit ng bagyong si Bebeng.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, (NDRRMC) bukod sa mga nabanggit, aabot din sa 1,207 katao ang na-istranded sa mga pantalan sa Bicol Region noong Sabado dahil sa bagyo.

Sa tala ng NDRRMC, kinilala ang nasawi na si Luis Dingcol, 47, bunsod ng pagkalunod nang tumaas ang baha sa Brgy. Canlanpay sa bayan ng Carigara sa Leyte.

Sinasabing umabot sa dalawang metro ang taas ng tubig sa mga apektadong lugar.

Samantala, isinusulat ang balitang ito, puno na ang mga iba’t ibang barangay hall, eskuwelahan at simbahan sa Ormoc City kung saan pansamantalang ginawang evacuation centers.

Maging ang ilang barangay sa Catarman sa Northern Samar ay nakapagtala rin ng mga pagbaha habang hindi naman mabilang ang pamilyang inilikas sa Lope de Vega, sa Nor-thern Samar. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.