1 Minutong Dasal para sa OFW, Ikinasa ng DepEd

HINIKAYAT NG DEPARTMENT of Education (DepEd) ang mga guro at estudyante sa bansa na mag-alay ng isang minutong panalangin para sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na ngayon ay naiipit pa ng kaguluhan sa bansang Libya bago simulan ang klase.

Sa DepEd memorandum order No. 57 na may titulong “Urgent Prayers for Filipinos in Libya” na inilabas ng tanggapan ni Education Secretary Armin Luistro ay umaasang walang Pinoy na masasaktan o kaya’y masasawi, bunsod na rin ng patuloy na pag-init ng sitwasyon sa nasabing bansa.

Naniniwala ang kalihim, sa pamamagitan ng sama-samang panalangin ng mga batang estudyante sa dakilang lumikha ay matutuldukan ang nagaganap na pagdanak ng dugo sa Libya dahil sa patuloy na girian ng tropa ni Libyan President Moammar Gadhafi at grupo ng mga demonstrador na humihiling sa kanyang pagbibitiw sa puwesto.

Nabatid na umaabot na sa mahigit sa 1,000 katao ang namamatay at marami na ang nasugatan mula ng sumiklab ang kaguluhan sa Libya.

“All school heads are encourage to include in their daily activities an appropriate genture and solidarity and support for all affected Filipinos, and pray for their immediate repatriation and safety to those whose decide to stay in the violence striken land” anang kalihim sa kanyang Memorandum.  (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 9459 stories on this site.

Comments are closed.