1 Linggong Meteor Shower Ngayong Oktubre

TIYAK NA magiging makulay ang himpapawid ngayong buwan ng Oktubre dahil sa mahabang panahon ng Orionids meteor shower.

Base sa astronomical calendar ng PAGASA, tatagal ang naturang tanawin sa papawirin nang mahigit isang linggo.

Ang peak naman nito ay maitatala sa Oktubre 20 hanggang 24, 2012.

Asahan umano sa panahong ito ang 20 bulalakaw kada oras na makikita sa kalangitan. Samantala, mainam naman para sa mga stargazer ang ganitong panahon dahil matatapat sa new moon at mas nagiging makulay ang meteors kung madilim ang paligid. Gayunman, may mga lugar sa silangang bahagi ng ating bansa ang magkakaroon ng limitadong tiyansa na makita ang Orionids meteor shower dahil sa inaasahang pagpasok ng northeast monsoon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.