1 Lang ang Kinatawan ng Kongreso sa JBC – SC

PINAGTIBAY NG Supreme Court (SC) ang nauna nitong desisyon na nagsasabing isa lang dapat ang kinatawan ng Kongreso sa Judicial Bar and Council (JBC).

Sa botong 9-3-3, ibinasura ng Korte Suprema ang Motion for Reconsideration ng Kongreso na umaapelang dalawa dapat ang kinatawan nito sa JBC: isa mula sa Senado at isa mula sa Kamara.

Base sa nakasaad sa Article VIII Section 8 (1) ng Saligang Batas, isang kinatawan mula sa Kongreso ang magsisilbing ex officio member ng JBC kasama ng secretary ng Department of Justice (DOJ) habang ang Chief Justice naman ang tatayong ex officio Chairman.

Samantala, parehong tumatayong kinatawan ng Kongreso sina Sen. Francis Escudero at Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr.

Maaalala na sa kalagitnaan noon ng panayam ng JBC para sa susunod na punong mahistrado matapos ma-impeach si dating Chief Justice Renato Corona, kinuwestyon ng abogadong si Frank Chavez ang pagkakaroon ng dalawang kinatawan ng Kongreso sa JBC.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.