1 Kritikal; 3 Sugatan sa Nagwalang Kaanak

KRITIKAL ANG isang lalaki habang sugatan ang 3 pa sa nagwalang kaanak habang nag-iinuman sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Inoobserbahan sa Pagamutan Lungsod ng Malabon sanhi ng dalawang saksak sa dibdib si Eladio Fabrigas, 28, habang ginagamot sanhi ng saksak sa kani-kanilang katawan sina Bernardino Fabrigas, 56; Noli Fabrigas, 20; at Jeffrey Dacoma, 20, pawang ng C. Perez St., Tonsuya ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Crispin Javiniar, nasa hustong gulang, ng Daanghari, Navotas.

Batay sa ulat, ala-1 ng hapon, nag-iinuman ang magkakamag-anak sa C. Perez Street nang magtalo ang suspek at si Eladio.

Nagbunot ng patalim ang suspek at sinaksak si Eladio habang nagsiawat ang iba pang biktima subalit sinaksak din ni Dacoma.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman sa PLM ang mga biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang pinagtalunan ni Eladio at ng suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.