1 kritikal 2 sugatan sa trip nina Kulangot at Puto

MALUBHA ANG ISANG kelot habang sugatan ang dalawa pa nitong kasama-han makaraang pagtripang saksakin at batuhin nina Kulangot at Puto kabilang ang tatlo pang ‘di kilalang salarin habang naglalakad ang mga una kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Naka-confine ngayon sa East Avenue Medical Center, Quezon City sanhi ng dalawang tama ng saksak sa likod ang biktimang si Eugene Jacon, 21, binata, tubong-Catanduanes, ng Phase 9, Package 7-B, Block 13, Lot excess, Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City habang ginagamot naman sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital Tala Caloocan sanhi ng tama ng bato sa mukha sina Jestoni Arcilla, 20, binata at Francis Allam, 19, kapwa ng Robes I, Brgy. 175, Caloocan City.

Isang follow-up operation naman ang isinasagawa ng mga awtoridad para sa tunay na pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga suspek na nakilala ang dalawa sa alyas Buboy Kulangot, Junjun Villaruz aka Puto, 19, binata, ng Phase 9, Package 7-B, Lot 31, Brgy. 176, Caloocan at tatlo pang kalalakihan na mabilis na nagsitakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang naglalakad ang biktima malapit sa bahay ni Jacon nang bigla na lamang harangin ang mga ito ng mga suspek na armado ng patalim at bato at pawang mga lasing.

Dito, agad na sinaksak si Jacon ni Junjun habang pinagbabato naman nina Kulangot at 3 pa sina Arcilla at Allam saka nagsitakas.

Agad namang dinala sa nasabing mga pagamutan ang mga biktima upang lapatan ng lunas ang mga tinamong sugat.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.