1 Kahon ng Paputok, Nasabat

ROXAS CITY – Umaabot na sa 11 mga kahon ng paputok na Piccolo at iba pang uri ng firecrackers mula Tsina ang nakumpiska ng mga miyembro ng Roxas City PNP sa isinagawang raid sa isang establisimyento sa Taft St., Roxas City.

Nasabat ng mga kinauukulan ang naturang paputok matapos may magpaabot ng impormasyon sa kanila na nagbebenta ng ipinagbabawal na paputok ang Muzik and Sunny Store na pag-aari ng nagngangalang si Mr. Dante Segua.

Napag-alaman na walang permit to sell ang naturang mga paputok ng tindahan at lumabag sa R.A 7183 o Firecrackers and Pyrotechnic Law.

Samantala, nasa kustodiya na ng Roxas City PNP ang nakumpiskang mga paputok. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.