1-anyos na batang lalaki, dinukot

 

PINANINIWALAANG DINUKOT NG mga miyembro ng sindikato ng “tanggal lamang-loob” ang isang isang taong gulang na batang lalaki sa loob ng tarpaulin shop ng mga magulang ng biktima sa Valenzuela City, noong Mayo 16, 2011.

Halos nawawalan na ng pag-asa si John Wally Reyes, 28, residente ng Dizon St., Brgy. Dalandanan, Valenzuela City, na matagpuan ang dinukot niyang anak na si Junelle.

Base sa statement sa barangay ni Reyes, nawala ang kanyang anak noong Mayo 16, 2011, dakong alas-10 ng umaga sa kani-lang tarpaulin shop malapit sa kanilang bahay.

Kuwento ni Reyes, maraming kostumer nu’ng araw na iyon, kung kaya’t hindi nila napansin ang anak niya na nakahiga sa stroller nang tangayin ito.

Kung saan-saan na hinanap ni Reyes ang anak, pero magpa-hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nila ito nakikita.

Nagpakalat na rin sila ng larawan ng bata at telepono, pero wala pa ring resulta.

May hinala si Reyes na posibleng may kinalaman ang sindikato ng ‘tanggal lamang-loob’ sa pagdukot sa kanyang anak.

Magugunita na naalarma ang buong Valenzuela City dahil sa pagkalat ng mga text messages na may mga batang dinukot at inalisan ng lamang-loob ng nasabing sindikato.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.