“Triple One” kontrolado ang iligal na sugal sa Malabon

SA KABILA NG ginagawang kampanya kontra kahirapan ng pamahalaan, lalong dumarami ang naghihirap at kriminalidad sa Malabon dahil ‘di masawatang paglaganap ng iligal na sugal, ayon sa mga concerned citizens ng lungsod.

Ayon sa mga reports, hayagan ang operasyon ng Jueteng, Lotteng, Saklaan, Tupadahan at Jai-alai at mga vices sa lungsod ng Malabon na may bendisyon ng isang “Triple One” na isang taong malakas ang impluwensiya sa Malabon.

Dahil dito, sina Mario Bukbok, operator ng Sakla, Jueteng at Video Karera, at Boy Edmond, operator ng Jai-alai, Lotteng, EZ-2 at Ending ay patuloy na namamayagpag dahil umano malaki ang kanilang taryang ibinibigay kay “Triple One”.

Nangako ang mga mulat na mamamayan ng Malabon na kanilang sisimulan na ang kampanya laban sa iligal na sugal at sa tamang panahon ay isisiwalat na sa publiko ang katauhan ni “Triple One”.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.