“SIMPLE LIVING” SI WARRIOR AT ANG PANG-ASAR NI DANTE JIMENEZ

PAKUYA-KUYAKOY LAMANG SA loob ng kanyang restaurant sa Matalino St. Quezon City si Gerardo Garcia noong isang araw nang kapanayamin natin ito hinggil sa ulat kung saan siya iniuugnay sa “fixing activities” sa City Hall.

Hindi apektado ang tinaguriang “Warrior”, dahil ayon sa kanya mula pagkabata ay nakasanayan na niya ang mamuhay nang simple.

Iginala natin, parekoy, ang ating mga mata sa kapaligiran ng kanyang kinalalagyan… tsk, tsk, tsk, ito ba ang tinaguriang hari ng mga fixer? Wala man lang kahit isang “bishop” at “rook” hehehe, ayoko nang maging hari!!!

Ilang taga-City Hall din ang ating nakapanayam at nagpatunay na simula noong umupo si Mayor Bistek ay mga 2 beses pa lang nilang nasilip ang hilatsa ng pagmumukha ni Warrior sa City Hall.

Kaya naman kumbinsido tayo, parekoy, na mayroong magagaling mag-senaryo sa loob ng City Hall ng Kyusi.

Na upang hindi matuon sa kanila ang pansin ay nagpapauna nang magpaputok ng isyu laban sa iba.

Kung sino man sila at anuman ang kanilang raket… kayo, mga parekoy, ang susunod kong bubusisiin d’yan sa City Hall ng Kyusi!!!

TALAGANG MAY TAGLAY na kasutilan itong “dabarkads” ni Mang Lauro Vizconde na si Dante Jimenez.

Aba’y ang galing mamikon!

Una, ang kanyang salita patungkol sa “justices” ng Supreme Court na… mga P_ _ _ _ _ I_ _ kayo!!!

Aba eh, napikon ang Supreme Court justices at pinagmulta si Dante Jimenez ng una ay 100 libong piso, ngunit kalaunan ay ibinaba rin ito sa 30 libong piso.

Heto na ang siste, parekoy, isa na namang pang-asar ang ginawa ni Dante Jimenez… aba eh, puro ba naman baryang tig-pipiso ang inilagay sa supot para ibayad sa Korte Suprema… hak, hak, hak!

Mga mahal na justices, sana hindi na kayo maasar dahil ang pagkakaalam ko… ang PIKON ay palaging GAGO! Har, har, har!

INAANYAYAHAN KO PO kayong makinig sa aking programa sa radio na ALARMA KINSE TRENTA, tuwing 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa DZME 1530 kHz (dulong kanan ng talapihitan).

Sa programang ito ninyo maririnig ang tunay na walang takot at walang kinikilingang komentaryo sa mga napapanahong isyu.

Maaari rin po ninyo akong marinig at mapanood sa internet, 6-7 ng umaga sa www.dzme1530.com

Anumang sumbong, i-text lang sa 09152121303 o kaya’y mag-e-mail sa junbriones69@yahoo.com

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.