“Piece” sa Mindanao at Yabang ni Recto

SHATTERED INTO PIECES! Kumbaga sa salamin, “nadurog” o “nagkapira-piraso” ang minimithing “peace” o kapayapaan sa Mindanao.

‘Yan, parekoy, ang ating pananaw sa kasalukuyang kaganapan sa pagitan nina Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles at ng mga mambabatas ng Mindanao.

Ang nasabing insidente ay nag-ugat sa ‘diumano’y “panlalait” ni Sec. Deles kay Rep. Fatima Aliah Dimaporo at sa iba pang kongresista ng Mindanao.

Nang itinanggi ni Sec. Deles ang paratang, naguluhan na tayo, parekoy.

At marahil, maging ang marami nating kababayan ay tuliro na rin sa kaiisip kung sino nga ba ang nagsisinungaling.

Si Sec. Deles ba o si Rep. Dimaporo?

Ang tanong natin, parekoy:

Kung totoo nga ang panlalait, ano kaya ang motibo ni Sec. Deles para gawin ito sa mga kongresista sa Mindanao?

Kung hindi naman totoo, ano kaya ang motibo ni Rep. Dimaporo para magsinungaling at idiin lang talaga si Sec. Deles na nagresulta sa House Resolution para sa “resignation” ni Sec. Deles?

Idagdag pa rito ang isinusulong sa Kamara na “pisong” budget para sa tanggapan ni Deles sa loob ng isang taon!

Ahhh, letseng buhay ito! Tuliro na nga si parekoy sa kaiisip kung paano makabibili ng pananghalian… dadagdagan pa ng mga buwisit na ito!

Hmp! Basta isa lang ang alam ni parekoy sa pangyayaring ito…

Walang karapatan si Sec. Deles na maging hepe sa opisinang nagsusulong ng kapayapaan lalo na sa Mindanao kung ‘di niya kayang makipag-“kapayapaan” sa nasabing mga kongresista!

At sa Mindanao solons naman…

Wala rin kayong karapatan na maging kinatawan ng mga taga-Mindanao lalo na para sa kanilang kagalingan at kapayapaan, kung hindi ninyo kayang makipagkapayapaan sa tagasulong ng peace o kapayapaan sa Mindanao!

Sa attitude ng mga kongresistang ito, parekoy, nababanaag ko na kung bakit napakailap ng kapayapaan sa Mindanao.

Ang itinuturing na “land of promise”.

Aba, eh, ‘wag na! Hindi makanti ng kaunti ay sumisiklab!

Matatapang naman pala kayo, bakit hindi ninyo kinanti noon ang mga Ampatuan?

Para matikman ninyo kung paano ang sinasabing “massacre”!!!

MATINDI TALAGA ANG yabang nitong tauhan ng gambling lord na si Rey Recto.

Mantakin mong nakuha pa nitong magyabang, na kahit anong banat daw sa kanyang amo ay hindi ito kayang patigilin sa kanyang iligal na sugal!

Gago ka palang hayop ka…

Ibig mo bang sabihin na hindi kayang ipatigil ‘yang iligal ng amo mong si Rey Recto ay dahil mas mataas pa kayo sa batas?

Ibig mo bang sabihin eh, takot sa inyo ang batas?

Ibig mo bang sabihin eh, kaya ninyong bayaran ang batas?

Ibig n’yo bang sabihin eh, binibigyan ninyo ng “protection money” hindi lamang ang hepe ng Malabon at Valenzuela, kundi maging ang NPD Director?

Tang’na kang hayop ka, ipinapahamak mo na niyan ang amo mo!

Sabagay, kung matino itong si Rey Recto ay hindi ito magiging gambling lord.

At kung matino ito, parekoy, nakipag-usap na sana! Ehek!

Ibig nating sabihin, parekoy, nagsalita na sana upang pasinungalingan itong isyu laban sa kanya!!!

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.