“Pergalan”, namamayagpag sa tapat ng simbahan

KUMITA LANG NG pera, bale-wala sa mga nagmamantine at sa mga barangay officials na nagbigay ng permiso na makapag-operate ang “pergalan’ (perya na may sugal) na nasa harap ng simbahan sa Valenzuela City.

Kaugnay nito, may ipinalabas ng Executive Order si Mayor Sherwin T. Gatchalian noong pang 2008 na nagbabawal sa paglalagay ng perya sa lungsod, lalo na’t hindi naman pista.

Nakabase ang perya sa Mac Arthur Highway, Barangay Karuhatan, Valenzuela City na katapat mismo ng Holy Family Church.

Bukod sa mga ride na nakalagay sa perya, malakas din ang sugal dito tulad ng color game, bingo at beto-beto na dinarayo ng mga nagsusugal.

Malapit din ang perya sa Police Community Precinct 9 at sa Barangay Hall ni Punong Barangay Boy Caco.

“Sana inilayo naman nila ang puwesto ng perya at hindi sa tapat ng simbahan, nakaka-istorbo sa mga nagsisimba, lalo na ngayong malapit na ang Simbang Gabi,” anang mga deboto sa Holy Family.

Ayon sa mga residente ng nasabing lugar, kaya nakapag-o-operate ang operator ng pergalan ay naghahatag umano ito sa Valenzuela Police.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.