“Pamahalaan ‘di dapat magpadikta sa MILF” – Tiangco

MALI AT HINDI nararapat na yumuko ang pamahalaan at magpadikta sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kundisyones hinggil sa usaping pangkapa-yapaan sa Mindanao.

Ito ang mariing pahayag ni Navotas City Rep. Tobias “Toby” Tiangco, kasabay ng pagsasabing hindi umano dapat intindihin kung seryoso o hindi ang MILF sa isyu ng peace negotiations na isinusulong ng pamahalaang Aquino.

Hindi umano tama na ang MILF ang masusunod sa mga kundisyones para sa isinusulong na kapayapaan sa nasabing rehiyon at sila lamang ang kikilos.

Inihalimbawa pa ng mambabatas ang pag-hahanap ng militar kay Dan Laksaw Asnawi, deputy commander ng 114th Base Command ng MILF sa Basilan na itinuturong responsable sa pananambang sa mga tauhan ng Special Forces ng Philippine Army na ikinasawi ng 19 sa mga ito at ikinasugat ng iba pa.

Si Tiangco ay chairman ng House committee on Metro Manila Development at suportado nito ang ‘all out justice’ ng pamahalaan sa pagpapatupad ng batas laban sa mga may pagkakasala sa hustisya.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.