“Mas magiging successful ang isang team up kapag friends lang” – Toni

BULL Chit!
by Chit Ramos

BUTI NAMAN AT nagpakatatag si Toni Gonzaga na sabihin ang totoo sa kanila ni Sam Millby noong presscon ng Love Duets. Waging-wagi si Toni sa aming panlasa dahil hindi niya pinaasa ang mga naroroon na posibleng magkabalikan sila sa malimit na pagsasama kaugnay ng latest recording nila mula sa Star Records.

While it is true na siya ang unang niligawan ni Sam sa showbiz at naudlot lamang ito nang gawin ng binata ang Maging Sino Ka Man with Anne Curtis, hindi naman nakasira sa friendship nila.

“Nagsimula, pero hindi nagkaroon ng katapusan,” natatawang wika niya. “Tsaka, hindi ba mas matatag ang samahan kapag hindi magkarelasyon. Bukod sa nakakapag-focus sa career eh, hindi pa poproblemahin sakali mang may LQ na mangyayari.

“Mas magiging successful ang isang samahan, team up, tandem or what have you kapag friends lang. Tingnan n’yo kami ni Sam, gustong-gusto pa rin sa mga surveys at kumikita pa rin ang pelikula. Mahirap kasi kapag gusto mo lang pasakayin ang moviegoers o fans.
“Kung wala man kaming pelikula ni Sam na magkasama, mayroon naman kaming album. Pareho kaming mahilig kumanta, kaya hayan, masaya kami. Mas maraming achievements, kahit hindi kami.”

HALOS GANU’N DIN ang tema ng interbyuhan kina Richard Gutierrez at KC Concepcion. They are trying so hard to please their fans, kahit hindi pa sila parehong handa sa isang relasyon.

“We are both very busy,” ani KC. “While doing When I Met U, we really had the chance to bond and enjoy each other’s company. Tapos hayan, gagawin na ni Chard ang Zorro action series nila at ako naman ay magte-teleserye na with Piolo Pascual. I’m sure, aalagaan ako ni Piolo in the same manner na aalagaan din ni Chard si Rhian Ramos. Talagang ganu’n ang trabaho.”

Magselosan ba!

Kahit malungkot,magandang alaala naman ang hatid sa kanila ng balitang umabot na sa P80 M ang kinita ng When I Met U. Posibleng maabot nito ang P100 M target nila next week. Nasa 3rd week pa lang sila.

Kinailangan tuloy na magkaroon sila ng thanksgiving party, para i-share sa movie press. Nalaman nilang hindi lang sila ang nagpakitang-gilas kundi si Alfred Vargas din at Iya Villania.
Kahit si Direk Joel Lamangan na kilalang-kilala sa heavy drama at award winning projects eh, na-in love din. Napaghihinalaang na-in love si Direk all those time na dini-direk niya ang pelikula. He was all smiles daw at hindi kailanman lumabas ang nakaugaliang high blood nito.

HINDI BA NAIRAOS din nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo ang kanilang pelikulang You Change My Life, kahit sapat-sapat lang ang kanilang effort na pakiligin ang kanilang mga tagahanga?

Natatawa marahil si JLC sa mga nagsusulat na break na sila ng dyowa niyang si Liz Uy para mapaniwala ang mga tao na sila na nga ni Sarah. Suwerte niya dahil kabisado din ni Liz ang mundong ito, kaya’t hindi siya kailanman naapektuhan.

Pagbalik marahil niya mula sa ibang bansa (for the primiere night of their movie), malaya na niyang maipagtatapat na normal pa rin ang kanyang love life. Na tuloy pa rin ang ligaya nila ni Liz.

Kahit si Sarah at ang kanyang mommy ay makapagpapatunay nito.

loading...

4 thoughts on ““Mas magiging successful ang isang team up kapag friends lang” – Toni

  1. bakit sa mga ibang issues sinisiraan nila si toni na masama daw ugali..eh kakaconcert lang nila dito sa chicago noong last saturday..ang bait naman ni ate toni ahh? nakapapicture pa ako..kaya lang hanggang nagyon sumasakit dibdib ko kasi na format ang cam ko ala na ako…huhuhu..picture with ate toni

  2. That is very true, Ms. Toni Gonzaga. One does not have to be committed to another to get acceptance from their fans. Here in Hollywood, married couples paired with other leading ladies/men, still make it in the box office if the movie is well thought and well made and also given the proper promotion. We are waiting for another of Toni’s movie. We are sure that whis will be another hit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.