“Juaning” walang epekto sa Navotas

HINDI NAAPEKTUHAN AT “zero water” pa rin ang Navotas City, kumpara sa mga lungsod sa Northern Metro area na binaha dulot ng bagyong “Juaning”.

Sa panayam ng Pinoy Parazzi kay Mayor John Rey Tiangco, walang residente mula sa 14 na barangay sa Navotas City ang inilikas sa mga evacuation centers dahil sa pagbaha dulot ng bagyo.

Dahil na rin sa 23 pumping stations, hindi nagkaroon ng tubig ang mga pangunahing lansangan sa Navotas.

“26 lahat ang pumping stations namin kaya lang sira ang tatlo, buti nga at hindi na namin problema ang baha,” paliwanag ni Tiangco.

Ang Navotas City ay napapaligiran ng tubig-dagat at ilog kung kaya’t kadalasan nilang problema ang baha lalo pa’t high tide.

Sa maayos na pamamamahala sa mga pumping station na siyang humihigop sa tubig-baha patungong Manila Bay, nasolusyunan ng city government ang problema sa baha.

Kung ihaalintulad sa annual income ng Caloocan City at Valenzuela na may budget na P3 bilyon at P1.8 bilyon ayon sa pagkakasunod, may P400 milyon lamang ang Navotas, subalit ganap na nalutas na ni Mayor Tiangco ang problema sa baha.

Dahil na rin sa bagyong “Juaning”, siyam na barangay sa Malabon City ang apektado ng baha, limang barangay naman sa Valenzuela City at 20 barangay naman sa Caloocan City.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.