“INIULAT NA RAKET SA QC”ITINURO SA MALING TAO

MALING OPISYAL ANG napagbintangang utak sa diumano ay nagaganap na lantarang “raket” sa bentahan ng “bidding documents” sa Quezon City Hall.

Ito ang napatunayan ng pahayagang ito matapos ang personal na pagmamatyag na isinagawa kaugnay sa naunang ulat kung saan ang Secretary to the Mayor na si Tadeo “Taddy” Palma ang pinagbintangan ng ilang impormante na siya umanong gumigipit sa nasabing mga dokumento.

Sa nasabing imbestigasyon, lumalabas na ang “bidding documents” sa alinmang proyekto ay libreng ibinibenta sa sinumang contractor na nagnanais bumili nito upang sumali sa bidding ng anumang proyekto sa Quezon City.

Ang bagay na ito ay pinatunayan din ng ilang kawani na kailanman ay hindi umano nakialam si Taddy Palma taliwas sa naunang report na si Palma ang kumukontrol upang hindi makabili ng nabanggit na dokumento ang ilang contractor na hindi nito gusto.

“Katunayan ni hindi nga alam ni Sir Taddy kung sinu-sino na ang mga nakabili ng “bidding documents” sa tuwing may gaganaping bidding,” pahayag pa ng isang empleyado.

Kaugnay nito, ilang empleyado naman ang nagkumpirma na may mga pagkakataon umanong mistula may gustong umipit sa bilihan ng “bidding documents” at bagama’t tiniyak nitong hindi si Taddy Palma, gayunman ay isa rin umano itong opisyal sa Quezon City Hall, ngunit tumanggi itong banggitin ang pangalan. (JUN BRIONES)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.