“I always make it a point na laging personal ang attack ko sa karakter “ – John Lloyd Cruz

KISS ME: INUSISA namin si John Lloyd Cruz sa karakter niya bilang Noel sa ipalalabas ng In My Life ng Star Cinema Productions kung saan, isang bakla ang papel niya at ni Luis Manzano.

Dahil magdadampi ang mga labi nila,kinalikot kong pilit ang utak ni Lloydie kung sino ang naisip niya nu’ng mga sandaling kinukunan ang nasabing eksena sa New York, USA. At kung may peg ba siya sa mismong karakter niya bilang Noel.

“When I do a role, bukod sa kini-create ko na ang character para maging ako, kinukuha ko ang puso niya para siya na ako at hindi na si John Lloyd ang makikita ng mga manonood sa big screen. I always make it a point na laging personal ang attack ko sa karakter. So, I had to create another heart for the character Noel at ‘yun ang sinakyan ko. And bago kami sumalang sa mga scenes namin ni Luis, binigyan kami ni Direk Olive (Lamasan) ng questionnaires para sagutin namin ‘yon base sa kung kami na ‘yung mga karakter namin. Kaya when they see the intimate moment, they would understand ‘yung mga character at hindi bilang kaming mga artista.”

Kung meron daw naging peg sa kanyang character si Lloydie, nagustuhan ang paborito niyang si Sean Penn sa iniwasan sana niya nung unang panoorin, ang Milk.  Kaya nga raw for him, ito na ang maituturing niyang most challenging role niya to date.

by Pilar Mateo

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.