“Ginamit ng syota ko ang pangalan ko”

MAGTATATLONG TAON NA PO kaming nagsasama ng aking boyfriend. Noong isang taon, nabisto kong mayroon

na pala siyang asawa. Iyon ang simula ng aming pag-aaway. Pero naareglo niya rin ang sigalot at patuloy

kaming nagsama. Para kami ay kumita, nagtayo siya ng isang kumpanya para magrecruit ng Pinoy para sa trabaho sa abroad. Pangalan ko ang ginamit niya para sa registration sa DTI ng aming single proprietorship dahil ako ay may naipakitang income at kakayahang mamuhunan. Pinatakbo niya ang negosyo kahit ‘di naman talaga ako nakialam

sa negosyo.

Sa halos isang taong operasyon ng nasabing kumpanya, nakapagpabiyahe siya ng limang workers para sa Middle East. Ngunit kamakailan, may isang aplikante ang nagreklamo at kinasuhan kami ng illegal recruitment. ‘Yun pala’y may ni-recruit ang BF ko at siningil niya ng P45,000.00 nang wala naman palang job order at kontrata mula sa abroad. Kaming dalawa ang nasampahan ng illegal recruitment. Dahil dito ay tuluyan na kaming naghiwalay ng aking BF. Sabit po ba ako sa kasong ito? ‘Di ba’t siya naman itong aktibo sa recruitment at ginamit niya lang ang pangalan ko?

—Cita ng Cabanatuan City

NAKIKISIMPATIYA AKO SA situwasyon mo. Kung totoo ang mga inilahad mong kuwento, lumalabas na biktima ka rin. At

dalawang beses ka pang nabiktima. Una, nang lokohin ka niya na siya ay walang asawa. Pangalawa ay nang gamitin ang

pangalan mo sa pagtatayo ng negosyong recruitment. Nangyayari rin ‘yan na kahit ‘di ka nakikialam sa pagpapatakbo ng negosyo, sa mata ng ibang tao ay ikaw pa rin ay bahagi ng negosyo.

Dahil dito, sasabihin ko sa iyo na sabit ka pa rin sa kasong illegal recruitment. May kaso ka pa rin kahit sabihin mo pang ‘di mo sinadyang mambiktima ng mga aplikante. Ayon sa batas, hindi importante kung may intensiyon ka o wala na mambiktima. Kahit ka pa “inosente” o malinis ang konsiyensya mo, illegal recruiter ka pa rin. Espesyal na krimen ito at

hindi kinakailangan ang kriminal na intensiyon para ikaw ay makasuhan at malitis sa kasong illegal recruitment.

Isa pa, malinaw na nag-recruit kayo nang walang lisensiya mula sa POEA. Wala kang naikuwento tungkol dito. Importante ang POEA license para makapag-recruit. Iba ang registration sa DTI at iba naman ang registration sa POEA.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@ yahoo.com

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.