“Duplikado” ng LLRP, Kinondena

BINATIKOS NG KILUSANG Lawa Kalikasan (KLK) ang pamahalaan sa pagbibigay-puwang sa isa pang proyekto para sa paglilinis ng Laguna de Bay, at sinabing isa lamang itong “rehash” ng dalawang naunang iskema na hindi nagamit noong 1980s at 1990s.
Sinabi ni KLK Spokesman Gil Navarro na sa Laguna Lake Flood Control and Lake Shore Park project na umano’y dinisenyo ni Dr. Benedicto Dorado, magiging catch basin lamang ang 94,900-ektaryang lawa ng tubig mula Rizal, Metro Manila at Laguna.
“It is strange why the office of the president has endorsed the project to the Department of Environment and Natural Resources (DENR) and other attached agencies since it hews closely to other plans that do not recognize the Laguna Lake basin as an ecosystem itself,” paliwanag niya.
Iginiit din ni Navarro na sa naturang proyekto, matatapon din ang silt sa baybayin, ang sinasabing pangunahing dahilan kung bakit nagkamali si Pangulong Aquino na ibasura ang Laguna Lake Rehabilitation Project (LLRP).
Sa ilalim ng LLRP, iti-treat ang silt at gagamitin sa pagbuo ng wetlands sa dalawang lugar sa baybayin ng lawa, samantalang sa plano ni Dorado, gagamitin lamang itong embankment.
Binigyang-diin ni Navarro na ang ibang bahagi ng bagong panukala ay halaw sa LLRP, na nagkakahalaga lamang ng p18.7-bilyon, na ang malaking bahagi ay pinondohan ng Official Development Assistance (oda) mula sa Belgium sa pagpupunyagi ng Baggerwerken Decloedt en Zoon (BDC), na nagsaad ng paggamit ng cable cars mula sa Taytay, Rizal patungong Mt. Makiling at Mt. Caliraya na magdaraan sa Talim island.
Ang mga proyektong kasing-ambisyoso ng kay Dorado ay lilikha lamang ng 220-kilometrong road system sa paligid ng lawa, ngunit hindi palalalimin ito para sa nabigasyon, at bubulabugin lamang ang ecosystem sa pamamagitan ng pagtatayo ng dike sa paligid ng lawa na makasasagabal na natural na daloy ng tubig-alat sa Laguna de Bay para sa kapakinabangan ng inland fisheries.
Sa halip na panatilihin ang integridad ng kapaligiran ng lawa, makahihimok lamang ito ng pagtatayo ng mga gusali sa baybayin ng lawa, gayong tahimik ito hinggil sa pagbuo ng wetlands na nagsisilbing panala sa water runoff, anang KLK.
Sa pagbebenta ng reclaimed land, ang proyekto ay magbibi-gay ng dagdag na suliranin para sa lawa, na may average na lalim na lamang na 2.5 metro, at titindi ang pagtatapon ng ‘untreated sewage’ sa lawa, pagtatapos pa ng KLK.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.